Apektado ng grass fire ang bahagi ng Bongao Peak Eco Tourism Park ng Mount Bongao sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Batay sa ulat, sumiklab ang grass fire dakong alas 11:00 kaninang umaga.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.
Magugunitang, ilang mga grass fire na rin ang naitatala sa iba’t ibang panig ng bansa bunsod na rin ng mainit na hangin tuwing panahon ng tag-init.
Kabilang sa mga lugar na napaulat na nakaranas ng grass fire nitong Marso ay ang Mount Agkir-Agkir sa Libungan, Cotabato, ,Mount Bansud sa Oriental Mindoro, isang bundok na merong bird sanctuary sa Bontoc, plantasyon ng kawayan sa South Cotabato at ilang lugar sa region 3 tulad ng Pampanga.