Isinusulong ng Sm Hotels and Conventions Corporation ( SMHCC ) ang mga hakbanging masagkaan ang global food wadte at environmental concerns sa lahat ng pag aari nito sa buong bansa.
Ang SMHCC ay ang hotel and convention centers arm ng sm prime holdings incorporated, isa sa pinakamalaking property companies sa buong southeast asia at kilala sa integrated at responsibile developments.
Ayon kay Leah Magallanes, Vice President for sustainability and food and beverage ng SMHCC. Hindi lamang for leisure at entertainment ang pag develop ng properties ng SM hotels kundi tinitiyak din aniya nilang kaakibat ng kanilang operasyon ang sustainability efforts at campaigns.
April 2008 nang itayo ang smhcc na nasa likod ng siyam na world class properties tulad ng taal vista hotel sa tagaytay city, pico de loro beach and country club at pico sands hotel sa batangas ..Raddison blu hotel sa cebu, conrad manaila sa pasay city at park in by radisson hotels sa north edsa, clark, iloilo at bacolod maging ang smx convention centers at trade halls.
Sa pinalakas pang mission and vision tungo sa sustainability ..Kinapitan ng smhcc ang seven reen goals nito base na rin sa united nationas sustainable development goals tulad ng gender equality, energy and water, sustainable tourism, consumption and diversion at greenhouse gas.
Binigyang diin pa ni magallanes na kilala rin bilang chef leah ang isinusulong nilang principles ng refuse, reuse and recycle at kanilang pangunahing initiatives na world wide fund for nature’s sustainable diner, composting efforts, eco labeling at pag aalis ng single use plastics.
Ang sustainable diner sa smhcc ay ginagawa sa boh o back of house nito o ang internal operation at service sa customers na kapwa epektibo na matulungan ang management na mapalitan at maayos ang food wasre concern tulad nang pagbabawas ng food waster per cover sa mas mababa sa average na 250 grams.
Ipinabatid ni magallanes ang mahabang proseso subalit masaya naman sila sa nakikitang pagbabago lalo pat ang local sourcing practice ay nagpapalakas din sa kanilang partner farms at bumubuo ng tiwala sa mga guests hinggil sa sariwang pagkain na isinisilbi sa kanila.
Ang eco labelling ay isa ring epektibong hakbangin na ginagawa sa lahat ng smhcc properties na pinatunayan nang pagtanggap ng pico restaurant at sun coral cafe, mga restaurants sa pico de loro beach and country club at pico sands hotel ..Ang nelp-gcp o national eco labelling programme-green choice philippines awards certification na nagbigay sa kanila ng lisensyang gamitin ang green choice philippines seal of approval at tiyaking sa mga guest nang mahigpit na pagsunod ng mga nasabing property sa pagpo protekta sa kapaligiran.
Ang smhcc ay patuloy na kumikilos katuwang ang kanilang partners para maisakatuparan ang seven green goals at tiyaking sumusunod ang lahat ng properties sa responsible procurement, annual online seminar at awareness program na tinaguriang green procurement.
Tiniyak ng smhcc ang pinaigting pang mga pagkilos bilang suporta sa green procurement at eco tourism para na rin sa magandang kalusugan ng mga pilipino at proteksyon sa kapaligiran.
Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang : https://smhotels.com.ph/