Nagbitiw sa puwesto ang economic adviser ni US President Donald Trump.
Ang pagbibitiw ni Gary Cohn ay kasunod ng pagtutol niya sa plano ni Trump na patawan ng mas mataas na taripa ang imported na bakal at aluminum.
Si Cohn ay dating chief operating officer ng Goldman Sachs sa Wall Street at malaki ang naging papel sa 2017 tax overhaul ng Trump administration.
Sa kanyang pahayag nagpasalamat si Cohn sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Trump para makapaglingkod sa kanilang bansa.
—-