Kumpiyansa si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na makakakalap sila ng sapat na boto ngayong araw sa resolusyon na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas patungkol sa ekonomiya.
Ayon kay Belmonte, makukuha nila ang “three-fourths vote” ng mga kasapi ng kamara o 217 sa 290 lawmakers na pabor sa House Resolution No. 1 na kung lulusot ay maaaring matanggal ang probisyon sa 1987 Constitution na naglilimita at nagtatakda sa 60-40 percent Filipino-Foreign Equity sa mga korporasyon.
Paliwanag ni Belmonte, mayroon nang commitment ang mga mambabatas na boboto sila pabor sa naturang resolusyon para sa ikatlo at huling pagbasa.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)