Nanganganib bumagsak ang ekonomiya ng Myanmar dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng military junta at mga mamamayan na pina-nga-ngambahang mauwi sa civil war.
Bumaba na rin ng mahigit 60% ang halaga ng Kyat, nacurrency sa Myanmar, simula pa noong unang linggo ng Setyembre.
Ito ang dahilan ng malaking pagtaas ng presyo ng pagkain at krudo sa nabanggit na bansa, sa loob lamang ng walong buwan.
Nagsara na rin ang ilang maliliit na business establishment tulad ng mga many gold shop at money exchange dahil sa pagkaubos ng stock na dolyar.
Ibinabala naman ng world bank na asahan na ang pagdami ng mahirap sa Myanmar kung magpapatuloy ang pagsadsad ng ekonomiya na pinalala ng kaguluhan.—sa panulat ni Drew Nacino