Economic frontliners sa Navotas, babakunahan na sisimulan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga indibidwal na kabilang sa A4 priority group o economic frontliners.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, 200 slots ang bubuksan para sa mga naka-schedule na mabakunahan sa umaga at 200 slots din ang bubuksan sa hapon para sa mga walk-in vaccinee.
May ibibigay din aniyang stub upang malimitahan ang dami ng tao.
Isasagawa sa Navotas fish port complex ang pagtuturok kung saan ang Coronavac na gawa ng Sinovac ang gagamitin para sa economic frontliners ng lungsod.
Pinaalalahanan naman ni Tiangco ang mga mamamayan na sumunod sa safety protocols kontra COVID-19. — sa panulat ni Hyacinth Ludivico.