Itinaas ng Japan Center for Economic Research (JCER) sa 7.1% ang economic growth ng Pilipinas ngayong 2022.
Ito ay matapos lumagpas sa inaasahan ang ikatlong kwarter ng economic performance ng bansa, habang nananatiling malakas ang pagkonsumo sa ikaapat na quarter.
Ayon sa JCER, mas mataas ang datos kumpara sa 6.5% pagtataya noong Setyembre.
Gayunman, pasok pa rin ito sa nirebisang numero ng gobyerno na nasa 6.5% hanggang 7.5% gross domestic product (GDP) ngayong taon.
Mula Enero hanggang Setyembre, ang average na paglago ng ekonomiya ay nasa 7.7%.
Ang iba pang panganib na makikita sa susunod na taon ay ang pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, paghina ng ekonomiya ng China, at pag-urong ng ekonomiya ng US.