Itinaas pa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang economic growth ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon.
Ito ay matapos maitala ang 7.5% na Gross Domestic Product (GDP) mula Abril hanggang Hunyo na bahagyang mas mataas kaysa sa 7.4% noong unang kwarter.
Ang pagrebisa ng PSA sa GDP growth ay kasabay ng paglago ng tatlong economic subsectors kabilang ang construction, real estate at ownership at manufacturing.
Inaasahan naman ng mga economic managers ang pagtaas ng GDP sa pagitan ng 6.5 hanggang 7.5% ngayong taon mula sa dating 7 hanggang 8% projection ng pamahalaan.
Ito ay bunsod ng paghina ng economic growth sa second half ng taon dahil sa mataas na inflation at external conflicts.
Samantala, nakatakda namang maglabas ng panibagong GDP data ang PSA para sa ikatlong bahagi ng taon bukas, Nobyembre a-11. -sa panulat ni Hannah Oledan