Nananawagan ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na agad na isumbong ang sinumang indibidwal na magsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod ng report ng Philippine Statistics Authority na pumalo na sa 6.7% ang inflation rate ng bansa na noong nakalipas na buwan ng Setyembre.
Dahil dito, inatasan na umano nila ang Department of Trade and Industry na higpitan ang price monitoring at siguruhin na sumusunod sa batas ang mga traders.
Samantala patuloy naman ang pagsusulong ng economic cluster ng gobyerno para amyendahan na ng Kongreso ang Republic Act No. 8178 or Agricultural Tariffication Act.
Ayon sa economic team ng palasyo, ito ang kanilang nakikitang medium to long-term solution sa inflation maliban pa sa short term measure na ginagawa ng gobyerno sa pamamagitan ng Administrative Order No. 13 series on 2018 na inisyu ng presidente