Nababahala ang ilang economic expert hinggil sa patuloy na pagsadsad ng halaga ng piso kontra sa dolyar.
Ayon sa mga eksperto, dapat ilahad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malinaw niyang prayoridad sa larangan ng ekonomiya.
Masyado anila kasing nakatutok ang Pangulo sa mga operasyon ng militar at pulisya sa paglaban sa droga at mga lawless element sa bansa.
Pinayuhan din ng mga economic expert ang Pangulo na pagtuunan din ng pansin ang galaw ng mga pangunahing bilihin tulad ng petrolyo dahil dito direktang tinatamaan ang publiko.
By Jaymark Dagala