Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Bongbong Marcos sa 77th United Natons General Assembly o UNGA ang economic recovery, food security, climate change, rule of law at agricultural productivity.
Sa kanyang talumpati bago tumulak pa-Amerika, inihayag ng Pangulo na kanya ring bubuksan ang issue sa magiging tungkulin ng Pilipinas at ambag nito upang palakasin ang international relations.
Makikipag-pulong din ang Punong Ehekutibo sa Filipino community sa New Jersey performing arts center kung saan nasa 1,200 Pinoy ang inaasahang dadalo.
Bago mag-alas-12 ng hatinggabi, oras sa Pilipinas, nang dumating sa Estados Unidos, si Pangulong Marcos para sa kanyang anim na araw na working visit.