Nakipagpulong ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang economic team at mga opisyal ng National Food Authority (NFA).
Ayon sa Office of the President (OP), ito ay para talakayin kung paano mapapanatili ang pagtaas ng momentum sa rice inventory ng bansa.
Matatandaang sa unang buwan ng punong ehekutibo sa pwesto at sa pagiging agriculture secretary, nagbigay ito ng marching order para palakasin ang produksyon ng bigas pati na rin ng mais, gulay, baboy, at manok.
Nanawagan din ang presidente sa pagkakasa ng masagana 150 at masagana 200 na mungkahi ni dating Secretary William Dar.
Kabilang sa panukala ng pangulo ay farm-to-market road masterplan na aniya’y, titiyak sa food security sa bansa. – sa panulat ni Hannah Oledan