Iminumungkahi ng economic team ng gobyerno na gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagtitipid sa enerhiya para matugunan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, dapat isulong ang paggamit ng bisikleta at electronic vehicles.
Dapat din aniyang tanggalin ang taripa sa mga E-Vehicle na ngayon ay nasa 30%.
Aminado naman si Lopez na hindi ito kaagad maipatutupad dahil kailangan pang magpasok ng mga E-Vehicles at maglagay ng charging stations sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho