Patuloy na nagsisikap ang Economic Development Group (EDG) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makalikha ng mga hakbang na manghihikayat ng mas maraming foreign investors sa bansa.
Ito ang tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagsabing inilatag na nila sa isang pagpupulong ang mga plano upang makahikayat ng investors ang bansa sa mga sektor ng agrikultura, renewable energy, at critical minerals.
Pagbibigay-diin ni EDG Chair at Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) Secretary Frederick Go, tungkulin ng economic team na makipag-ugnayan at ihanay ang mga hakbang ng mga kaukulang ahensya upang maiwasan ang redundancy o pagkakapare-pareho.
Samantala, napagkasunduan na ng economic team na pabilisin ang mga proseso sa pagpapatupad ng renewable energy projects sa bansa.