Hindi kumbinsido ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon na ng cashless payment sa mga pasahod sa empleyado para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na may mga empleyado na arawan ang nasabing pasahod.
Ayon kay Ortiz-Luis, epektibo lamang ang cashless payment sa mga malalaking kumpanya na mayroon nang digital payment system.
Magugunitang ipinanukala ng DOLE ang nasabing hakbang para hindi na magkaroon pa ng transmission ng nasabing virus.