Hindi mapipigil lahat ng contractualization.
Ito ang nilinaw ni Sergio Ortiz-Luis, Honorary Chairman ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP matapos makipagpulong ang mga negosyante kay President-elect Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Luis na may umiiral nang batas laban sa tinatawag na ‘endo’ o end of contract.
Paliwanag ni Luis, inirekomenda rin ng mayorya ng mga negosyante ang paglikha ng maraming trabaho.
Bahagi ng pahayag ni Sergio Ortiz-Luis ng ECOP
Duterte admin
Seryoso ang papasok na administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte na tapusin na ang kultura ng endo o end of contract.
Ayon kay incoming Labor Secretary Silvestre Bello III, talamak pa rin ang contractualization lalo na sa mga malalaking kumpanya tulad ng mga mall kung saan, limang buwan lamang ang itinatagal ng isang manggagawa.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, tatlo sa sampung manggagawang Pilipino ang hindi regular sa pinapasukang trabaho.
Ngunit nilinaw ni Bello, hindi aniya ito nangangahulugan na bawal na ang pagsasagawa ng outsourcing o pagkuha ng service provider tulad ng agency.
Dumidepende aniya ito sa mga kumpaniyang nangangailangan ng mga trabahador na per project basis o seasonal lamang.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas | Jaymark Dagala