Hindi sang-ayon ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sakaling itaas sa Alert level 4 ang Quarantine classification sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na may posibilidad na maitaas ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) dahil sa muling paglobo ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., madali lang naman sabihin na dapat ilagay Alert level 4 ang NCR ngunit maraming mamamayan ang maaapektuhan sa oras na maghigpit ang restriksyon sa bansa.
Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inihahanda na nila ang P1-B halaga ng tulong sa mga manggagawang apektado ng umiiral na Alert level 3.