Lalagda sa Biyernes ng isang kasunduan ang Employees Confederation of the Philippines (ECOP) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa regularisasyon ng mga empleyado ng mga kumpanyang miyembro ng ECOP.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakapaloob sa kasunduan na dapat gawing regular ng mga kumpanyang kasapi ng ECOP ang kanilang mga contractual employees sa susunod na tatlong taon.
Kabilang aniya sa nagbigay ng commitment ang SM Group na handang mag-regular ng labing isang libong (11,000) empleyado kada taon.
Samantala, umaasa si Bello na maihahabol naman ng Senado ang pagpasa sa panukalang batas na tatapos sa endo o end of contract at tatapos sa contractualization bago tuluyang magtapos ang 17th Congress.
—-