Wala nang nakikitang dahilan si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz Luis Jr. para muling magtaas ng alert level sa bansa.
Ayon kay luis, mild na lamang ang epekto ng virus sa mga tinatamaan nito na parang sinat o lagnat na lamang.
Sa ngayon, ayon sa ecop president, patungo na sa endemic at normalidad ang sitwasyon.
Giit ni luis, ang tanging dapat na paigtingin ay ang masigurong maayos ang mga pagamutan, kagamitan at ang bilang ng mga nurses na mangangalaga sa mga pasyente.
Hindi naman aniya inaalis na maaring mapuno ang mga ospital pero walang dapat na ikabahala dahil sesentro na lamang ang gagawing panggagamot sa pagpapagaling ng flu o lagnat.
Paliwanag ni luiz, kapag nagtaas kasi ng alerto, bilyun bilyong piso na naman ang kakailanganin para ilaan sa ayuda.