Tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang rekomendasyon ng OCTA Research Group na pagpapatupad ng circuit breaker lockdown sa Metro Manila.
Inihayag ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., ang pagkakaroon nito ng reserbasyon sa panukala ng OCTA.
Aniya dapat ay magkaroon din ng pagtaya ang gobyerno sa kahandaan at kapasidad ng health system ng bansa bago ikunsidera ang pagpapatupad ng lockdown.
Giit ni Luis, ang dapat na maging batayan ng pagpapatupad ng lockdown ay kung handa ang gobyerno at pasilidad at hindi ang mga kinukwentang numero o datos ng OCTA.
Ipinabatid din ni Luis na nuong unang nagpatupad ng lockdown ang gobyerno. Nasa P80-B ang nawala sa ekonomiya ng bansa.