Tutol ang Employees Confederation of the Philippines (ECOP) sa panukalang dagdag na leave para sa mga manggagawa.
Una nang isinulong sa Kamara ang 5 day mental wellness leave at panukalang 10 day paid leave naman para sa mga manggagawa ang inihain sa senado.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng ECOP napakarami ng leave lalo na sa mga babaeng manggagawa na kung kukuwentahin kasama na ang maternity leave ay halos wala nang matitira sa pagtatrabaho.
Binigyang diin ni Luis na hindi napapanahon ang dagdag leave dahil mahalagang mapag-isipan ang maibibigay na dagdag trabaho, kung paano gaganda ang trabaho at marami sa mga empleyado ang makapasok.