Tiwala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na ipagpapaliban ng Panguong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagtataas ng kontribusyon ng SSS at PhilHealth sa susunod na taon.
Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz Luis na naiintindihan nilang nakasaad sa batas ang nasabing pagtataas subalit hiniling na nila sa kongreso ang pag amiyenda rito na hindi naman naaksyunan aniya ng nakalipas na administrasyon.
Ayon kay Luis, ang mga manggagawa at maliliit na negosyo ang maapektuhan ng dagdag singil sa SS at PhilHealth contributions sa gitna ng mataas na inflation rate.