Walang ideya ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa sinasabing “no vaccination, no work” policy na ipinatutupad umano ng ilang kumpanya sa bansa.
Ito’y matapos tutulan ng labor group na Associated Labor Unions and Trade Union Congress Party (ALU-TUCP) ang nasabing kautusan ng ilang kumpnya.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., sa ngayon ay wala siyang alam na may ganitong umiiral na polisiya sa ilang kumpanya.
Ani Luis, hindi niya nakikitaan ng pagiging makatwiran sakaling may mga employer na nagpapatupad ng nasabing kautusan.
Wala akong alam na may mga kumpanyang may polisiyang gano’n. Para sa akin, it doesn’t make sense na ang kumpanya, pipiliting magpabakuna ‘yung tao,” ani Ortiz-Luis.
Gayunman, nilinaw ni Luis na hinihikayat nila ang mga manggagawa na magpabakuna lalo na kung sila ay kabilang sa mga maliliit na kumpanya na hindi kayang gastusan ang pagpapabakuna sa kanilang mga empleyado.
Ine-encourage namin ang aming mga tao na… talaga namang gobyerno ang in-charge d’yan. Alam naman natin na hindi naman lahat ng kumpanya ay magpabakuna ng mga tao nila, lalo na ‘yung mga maliliit,” ani Ortiz-Luis. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais