Dismayado ang Ecowaste Coalition sa tone–toneledang basura na iniwan ng mga deboto ng itim na Nazareno matapos ang traslacion ng itim na Nazareno.
Ayon sa grupo, binalewala ng mga deboto ang naging paalala ukol sa tamang pagtatapon ng mga basura at pagpapanatili ng kalisinisan sa Quirino Grandstand at iba pang dinaanan ng prusisyon.
Sari–sari anilang basura ang mga nakuha sa naging ruta ng traslacion kabilang ang mga plastic bag, mga tirang bagkain, single use plastic, mga karton, bote na puno ng ihi at maging diaper.
Matatandaang hindi bababa sa 20 garbage trucks ang nakuhang basura ng MMDA at lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanilang isinagawang paglilinis pagkatapos ng prusisyon.