Muling pinayuhan ng grupong Ecowaste Coalition ang publiko lalo ang mga magulang at kanilang mga anak na iwasang magkalat ngayong holiday season.
Ayon kay Ecowaste President Sonia Mendoza, hindi dapat hayaang mabulok ang mga basura sa gitna ng pagdiriwang.
Sa halip anya na itapon, maaari namang i-recycle ang mga bagay na puwede pang gamitin gaya ng mga Christmas decoration.
Makatutulong din ang pagre-recycle upang mabawasan ang volume ng mga basura ngayong Pasko hanggang Bagong Taon.
Idinagdag din ni Mendoza na dapat ibahagi na lamang sa mga mahirap o palaboy ang anumang natirang handa na maaari pa namang kainin.
By Drew Nacino