Muling binalaan ng enviromental watch group na Ecowaste Coalition ang publiko sa pagbili ng mga nakalalason umanong lucky charm sa pagsalubong sa Lunar o Chinese New Year.
Ayon kay Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng Ecowaste Coalition, dapat umiwas sa pagbili ng mga lucky charm dahil balot ang mga ito ng nakalalasong kemikal na lead.
Maaari anya itong maka-apekto sa kalusugan ng mga consumer lalo’t mataas ang lebel ng lead sa ilang pampasuwerte gaya ng mga figurine na Year of the Monkey at Ba-goa.
Base sa mga health expert, sakaling ma-expose sa mataas na content ng naturang kemikal ay maaari itong magkaroon ng epekto sa brain development at behavioral problem ng mga bata at iba pang sakit.
By: Drew Nacino