Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition sa mga kumandidato na baklasin at linisin ang kanilang mga campaign posters at iba pa ngayong tapos na ang eleksiyon.
Ayon kay Ecowaste National Coordinator Aileen Lucero, hindi natatapos sa pagka panalo o pagkatalo ng kandidato ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga basura batay na rin sa resolusyon ng COMELEC.
Aniya, dapat na pag isipan ng mga pulitiko kung paano i re recycle at itatapon ang kanilang mga naging basura nitong nakalipas na halalan.
“Ang resolusyon ng COMELEC ay talaga namang nakalagay doon na pagkatapos ay dapat ibabaklas pero syempre kung dapat meron kang resolusyon, ay dapat meron ka din enforcement, dapat ay pinipilit talaga nila na ang sinasabi nila ay hanggang dulo ay kailangan mong sundin at hindi porket natalo ka ay hindi mo na siya kailangang sundin.” — Ecowaste National Coordinator Aileen Lucero.
(From Balitang Todong Lakas interview)