Nanawagan ang Ecowaste Coalition Group sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa Manila North Cemetery.
Ayon sa Ecowaste, patuloy ang kanilang kampanya para panatilihin ang kalinisan ng kapaligaran, lalo’t sako-sakong basura ang nahakot nila noong mga nakaraang Undas.
Sa tantsa ng lokal na pamahalaan ng Maynila, inaasahang aabot sa apat hanggang limang milyon ang daragsa sa Cementerio Del Norte sa Undas kaya’t inaasahan na ang pagdami rin ng basura.
Samantala, umapela rin ang grupo na panatilihin ang kalinisan sa iba pang sementeryo sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla