Nakikipag ugnayan na ang Ecowaste Coalition sa mga ahensya ng gobyerno maging sa mga nasyonal at lokal na kandidato, nanalo man o natalo na magsimula nang maglinis matapos bumaha ang maraming kalat bunsod ng nagdaang eleksiyon noong Mayo a-nueve.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition, dapat ay nagsisimula nang maglinis ang mga kandidato sa kanilang mga campaign waste materials.
Ayon kay Lucero, maaring i-recycle ang mga papel o mga flyers at posters o tarpaulins na ginamit ng mga kandidato sa kanilang pangangampaniya.
Sinabi ni Lucero na ang mga nahakot na campaign waste materials ay maari pang magamit ulit dahil malaki ang maitutulong nito sa publiko.
Matatandaang umabot sa mahigit 168 tonelada ng campaign waste materials ang nahakot kung ikukumpara noong 2019 midterm elections.