Nanawagan ang Ecowaste Coalition para ma-pull out o maalis sa merkado ang ilang school supplies na nagtataglay ng cadmium at lead.
Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Ecowaste Coalition, ilang gamit sa eskuwela tulad ng krayola, watercolor, backpack at kapote ay nag positibo sa mataas na cadmium at lead content.
Umapela si Dizon sa mga magulang na maging maingat at busisiing mabuti ang mga bibilhing school supplies para ligtas din ang kanilang mga anak.
—-