Natapos na pamamahagi ng Pasay City Government nitong Huwebes ng ayuda sa mga naapaktuhan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ayon kay City Social Welfare and Development Head Angie Roa-Yu, naipamahagi na nila sa mga qualified beneficiaries sa 201 baranggay sa syudad ang nasabing ayuda.
Ayon pa kay Yu, tumanggap ng isa hanggang P4K ang nasa 348,992 na katao sa kanilang lungsod.
Kasama rin sa nabigyan ang higit 5K pamilya sa Pasay City na kasama sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4p’s.—sa panulat ni Rex Espiritu