Hindi na bago ang pagsailalim sa ECQ ng National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay PNP Chief General Guillermo Eleazar kaya’t dapat batid na ng publiko ang mga dapat asahan tulad ng mga industriya at taong papayagan lamang magbukas sa panahong nasa ECQ ang Metro Manila o mula Agosto 6 hanggang 20.
Sinabi pa ni Eleazar na nakalagay sa Omnibus Guidelines na dati nang ipinalabas ng IATF ang mga paghihigpit o restrictions sa bawat quarantine status.
Binigyang diin ni Eleazar na tanging ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lamang na bahagi ng workforce ang otorisadong lumabas at mga indibidwal na lalabas para bumili ng mga essential goods at services.
Tiniyak ni Eleazar na babantayan ng mga pulis ang galaw ng mga aniya’y non-essentials na dapat ay nasa loob lamang ng bahay sa panahon ng ECQ. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)