Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang pagpapatigil sa paglobo ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang dahilan ng muling pagsailalim ng mas mahigpit na quarantine status sa NCR plus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung hindi magpapatupad ng mas mahigpit na quarantine status, pinangangambahang pumalo sa 430,000 ang aktibong kaso ng virus sa katapusan ng Abril.
Paliwanag pa ni Vergeire, ang mga lugar na kabilang sa NCR plus bubble ay nasa high to critical risk base sa two week growth rate ng virus.
Sa huli, binigyang diin ni Vergeire na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ay paraan para mapababa ang kaso naitatalang kaso ng COVID-19, mapigil ang pagkalat ng iba’t-ibang variants, para rin aniya makarekober ang healthcare system ng bansa at lalong higit ang pagprotekta sa mas nakararami pang buhay.