Posibleng extended o modified enhanced community quarantine ang ipatupad ng pamahalaan pagkatapos ng April 30.
Ayon kay Roque lumabas ang suhestyong ito sa isinumiteng report nina Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, at Finance Secretary Sonny Dominguez.
Pahayag ng Palace Spokesman, malinaw sa ulat nina Sec. Concepcion at Dominguez na hindi pa puwedeng tanggalin ang quarantine.
Malaki aniya ang posibilidad na muling i-extend ang ECQ o ‘di naman kaya aniya’y magkaroon ng modified one.
Sinabi ni Roque, na ilan sa mga proposals na kanyang narinig sa huling pagpupulong noong Martes ay ibabase ang modification sa geographical location, modification base sa comorbidity, at modification base sa industriya.
Una nang sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na umano’y mailalabas na ang killer antibodies na may kakayahan umanong pagalingin ang mga nagpositibo sa COVID-19.