Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Resolution 29-2020 na naglalayong palawigin ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Baguio City hanggang Mayo 15.
Ayon kay Engineer Bonifacio Dela Peña, administrator ng Baguio City, kahit aniya pinalawig ang ECQ sa lungsod ay magtutuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).
Dagdag pa nito, binubuo na aniya ang mga alituntunin sa kung anong klaseng mga negosyo ang papayagang magbalik operasyon sa kabila ng extended ECQ sa lungsod maging sa Benguet.
Samantala, sa datos ng Baguio City Health Services Office, lumalabas na nasa 30 katao na ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kung saan karamihan dito ay mga medical frontline workers.