Inirekomenda ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na manatili sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City.
Ayon kay Cimatu, kailangang mahinto ang tuloy-tuloy na pagtaas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Cebu at tumataas na bilang ng mga namamatay.
Nitong nakaraang araw lamang anya ay umabot sa 13 katao ang nasawi sa COVID-19 at lampas ng 30% ng kada 100 na swab test ang nagpo-positibo.
Sinabi ni Cimatu na isa sa mga nakita nilang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu ang kakulangan ng pulis na sasaway sa mga hindi sumusunod sa quarantine rules.
Naging malaking bahagi rin anya ang pag uwi ng mga OFWs at mga istranded na mamamayan kaya’t napuno ang quarantine facilities ng Cebu City.
Pinuna rin ni Cimatu ang paggamit ng mga pasilidad na nasa loob ng mga barangay bilang quarantine area kayat kumalat ang virus.