Panatilihin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City.
Ito ang payo ni health expert na si Dr. Tony Leachon kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod bukod sa kulang pa ang testing kit at maging ang testing capacity nito at maging ng buong lalawigan.
Sinabi sa DWIZ ni Leachon na sa mga panahong naka ECQ pa rin ang Cebu City at buong lalawigan dapat maibigay ang kinakailangang supply ng test kits, paramihin ang testing centers, kaagad punuin ang mga kinakailangang bilang ng mga doktor at nurses at kaagad ding mai-isolate ang mga magpopositibo sa COVID-19.
Pagkatapos nito binigyang diin ni Leachon na dapat mahigpit na mabantayan ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan partikular sa Cebu City sa loob ng dalawang linggo.