Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City.
Ayon sa ulat sa bayan ng pangulo, mananatiling naka-ECQ ang Cebu City hanggang sa ika-15 ng Hulyo upang maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Kasunod na rin ito ng paglobo pa ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.
Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? Marami sa inyo hindi sumunod,” ani Duterte.
Samantala, mananatili namang nakasailalim sa general community quarantine ang Metro Manila hanggang sa ika-15 ng Hulyo.
Bukod sa Metro Manila, ipatutupad din ang GCQ sa mga sumusunod na lugar:
• Benguet
• Cavite
• Rizal
• Lapu-Lapu
• Mandaue City
• Leyte
• Ormoc
• Southern Leyte
• Talisay City
Magugunitang dalawang linggo na ang nakalilipas nang isailalim na ni Pangulong Duterte ang Cebu City sa ECQ habang ipinairal naman ang MECQ sa kalapit lungsod nito na Talisay dahil sa dumaraming bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lugar.