Pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa lungsod hanggang katapusan ng Abril.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, kanya itong napagpasiyahan matapos konsultahin ang ilang opisyal ng Department of Health, mga medical doctors, city health office, negosyante at maging si Iloilo Governor Art Defensor.
Sinabi ni Treñas, sa kasalukuyan ay mayroon apat na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Iloilo City.
Kabilang aniya ito sa kabuuang 36 na kaso sa rehiyon ng Western Visayas.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ni Treñas ang lahat ng residente sa Iloilo City na manatali muna sa loob ng bahay, tiyakin ang physical distancing at iwasan ang pagsasagawa ng mga pagtitipon gayundin ang pakikipagtulungan sa pamahalaan.