Posibleng palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral nang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa public address ng Pangulong Duterte kagabi, ika-6 ng Abril, tinitingnan umano ng gobyerno na pahabain pa ang araw ng pag-iral ng quarantine hanggang sa katapusan ng Abril o ika-30 ng Abril.
We are inclined to extend the lockdown up to April 30. Tingnan natin after that,” ani Duterte.
Aminado rin ang pangulo na hindi sasapat ang P270-bilyong pondo para masustentuhan ang mga residenteng apektado ng COVID-19.
Kasunod nito ay nanawagan si Pangulong Duterte sa pribadong sektor, kabilang na ang mga employers, na may kakayahan na tulungan ang pamahalaan at ang bayan sa kinahaharap na krisis.
Umaasa rin ang pangulo na mayroon nang mangyayaring mabuting pagbabago sa susunod na haharap sya sa publiko.