Inanunsyo ng pamahalaan na extended ng panibagong isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) plus area, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna At Rizal, na magsisimula April 5, hanggang April 11 ng kasalukuyang taon.
Itoy kasunod narin ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nanawagan sila sa mga local government units (LGU) na sakop ng NCR plus na paigtingin pa ang ipinatutupad na quarantine measures lalo na ang tinatawag na PDITR strategy o ang prevent, detect, isolate, treat and reintegrate.
Pahayag ni Roque, magsisilbing parameters o gate keeping indicators ang PDITR, maging ang case numbers at health care utilization para sa posibleng quarantine classification na maaring ipatupad sa susunod na mga linggo.