Bantay sarado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang operasyon ng mga malls na nagsimula nang mag operate simula noong Sabado.
Ayon kay DILG undersecretary Epimaco Densing, ito’y upang hindi na maulit ang nangyari noong Sabado at Linggo kung saan dinagsa ng tao ang mga malls at hindi nasunod ang social distancing.
Muling nagbabala ang DILG na agad nilang ipasasara ang mga malls at kakasuhan ang may-ari kapag hindi naipatupad ang minimum health standards na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Densing, hindi rin sila mangingiming irekomenda sa IATF na ibalik sa enhanced community quarantine ang National Capital Region (NCR) kapag nakita nilang hindi kaya ng disiplina ng mga mamamayan ang sumunod sa regulasyon.
Siguro, kung talagang hindi mapipigilan ang pagkawalang disiplina ng ating mga kababayan, at ng mga malls hindi susunod sa physical distancing, siguro pwede tayong magrekomenda na ibalik tayo sa ECQ ulit,” ani Densing. —sa panayam ng Ratsada Balita