Posibleng palawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ayon sa Department of Health.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Bagama’t pinag-aaralan pa naman aniya ang nasabing desisyon ng IATF, nariyan ang posibilidad na ma-extend ito batay na rin sa projections ng bilang ng kasong maitatala sa mga susunod pang araw o linggo.
Kaya mabuti na aniyang ihanda ang sistema para mas ma-manage pa ang sitwasyon.
Isinailalim sa dalawang linggong ECQ ang NCR dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 bunsod ng Delta variant.