Muling niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Ecuador kahapon na ikinatakot ng mga residente doon.
Dahil sa pagyanig pansamantalang nahinto ang isinasagawang search and rescue operation para sa survivor ng malakas na lindol noong isang linggo na kumitil na ng higit 500 katao.
Ayon sa US Geological Survey ang pinakahuling pagyanig na sinundan ng mga aftershocks ay naitala sa layong 25 kilometro sa Northwest coast ng Ecuador at may lalim na 5 kilometro malapit sa epicenter ng malakas na lindol noong Sabado.
Photo Credit: bbc