Kinumpirma ng Ecuador na naitala nito ang unang kaso ng human transmission ng bird flu sa isang nuebe-anyos na babae.
Sinabi pa ng Health Ministry na isa itong pambihirang kaso ng human infection matapos ang isang buwan mula nang magdeklara ng animal health emergency ang nasabing bansa.
Ayon pa sa ministry, nangyari ang infection dahil sa direct contact ng pasyente sa mga ibon na may virus.
Kaugnay nito, tiniyak ng Health Ministry na mahigpit nilang mino-monitor ang transmission ng sakit na natukoy sa Central Province ng Bolivar.
Sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na ang bird flu infection sa tao ay maaaring walang sintomas o maaaring mild hanggang severe disease na pwedeng magresulta sa pagkamatay.