Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang border ng Peru-Ecuador.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong dalawandaan at dalawampu’t apat na kilometro silangan, timog – silangan ng Ambato, Ecuador at may lalim na isandaan at tatlumpu’t dalawang kilometro.
Maraming residente sa Ecuador ang nakaramdam sa lakas ng lindol na tumagal ng tatlumpung segundo.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo ng Ecuador na si Lenin Moreno na walang matinding pinsalang idinulot ang pagtama ng naturang lindol.