Nadagdagan pa ang mga nananawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsider ang desisyon nitong itigil ang peacetalks sa CPP NPA NDF.
Ayon sa EBF o Ecumenical Bishops Forum ang pag suspindi sa peacetalks ay pagpapakita nang pagkatalo sa mga sumusuporta sa labanan at giyera.
Umaapela ang EBF sa Pangulo na suriin at mabatid na ang pakikipag usap pa rin ang pinaka epektibong parasan para masolusyunan ang ugat ng armadong pakikibaka.
Naniniwala rin ang grupo ng mga lider ng simbahan na naging produktibo at positibo ang government – CPP NPA NDF Peacetalks.
By: Judith Larino