Isa na namang kaso ang kinakaharap ng English singer-songwriter na si Ed Sheeran dahil sa di umano’y pangongopya ng kanta.
Sa halos isandaang milyong dolyar ($100-M) na demandang inihain ng kumpanya ni David Pullman, inakusahan nila si Sheeran ng pangongopya sa malaking bahagi ng kantang “Let’s Get it On”, isang classic na kanta ni Marvin Gaye noong 1973 para sa kanyang smash hit na “Thinking out Loud”.
Batay sa reklamong inihain sa Manhattan Federal Court, kinopya ni Sheeran ang melody, rhythms, harmonies, drums, bass line, backing chorus, tempo, syncopation at looping ng “Let’s Get in On”.
Ito ang ikatlong kaso ni Sheeran na may kaugnayan sa pangongopya ng kanta.
Una na siyang nakasuhan sa mga kantang “Photograph” at “Shape of You”.