Target ng Department of Health (DOH) na makapag-bakuna na ng COVID-19 booster shots sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ni Health Secretary Francisco Duque III sa isinumiteng rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ipinasa ng HTAC ang rekomendasyon kay Duque 2 araw matapos amyendahan ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization ng Pfizer vaccine para magamit ito bilang ikatlong dose para sa nasabing age group.
Aniya, sakaling maaprubahan na ni Duque, kailangan na lamang hintayin ng mga lokal na pamahalaan ang ibibigay na guidelines at maaari na itong gumulong sa susunod na linggo.
Matatandaang nagsimula ang bakunahan sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 noong Oktubre ng nakaraang taon.