Maaari nang mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga nasa edad 16 hanggang 17-taong gulang na may comorbidities.
Ito ay ayon sa Department of Health (DOH) kung saan, kinakailangan lamang nito magdala ng clearance mula sa kanyang doktor.
Ang naturang desisyon ay kasunod ng pag-apruba sa emergency use authorization (EUA) ng Pfizer COVID-19 vaccine na magagamit na sa 12 hanggang 17-taong gulang.
Paliwanag naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., kailangan munang makabili ng 60-milyong doses ng bakuna bago isama ang mga bata sa vaccination program ng gobyerno.
Samantala, giit naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi muna isasama ang bata sa pagbabakuna dahil sila ang pinakamababa ang risk na magkaroon ng COVID-19.